𝗕𝗨𝗦𝗜𝗡𝗘𝗦𝗦𝗠𝗔𝗡 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗣𝗢𝗭𝗢𝗥𝗥𝗨𝗕𝗜𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗧𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗛𝗔𝗡 𝗛𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗧𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗢𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗔𝗞

Patay sa pamamaril ang 52 anyos na businessman kinilala bilang si Jovilo Jasmin Jr. nang ipagtanggol ang dalawang anak mula sa tatlong suspek na hindi pa nakikilala.

Naganap ang insidente sa garahe ng bahay ng biktima nang ipagtanggol nito ang mga anak sa mga suspek na bigla na lamang nang-agaw ng cellphone ng mga ito habang naglalaro.

Sumaklolo ang mga anak sa kanilang ama na noon ay nasa loob ng kanilang bahay. Nagkagulo pa ang mga suspek at ang biktima bago ito barilin at tamaan sa ulo gamit ang caliber 45 na baril saka naman tumakbo para tumakas ang mga suspek.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit pumanaw na. Kasalukuyang nagsasagawa ng hot pursuit operation ang PNP Pozorrubio at nakipag-ugnayan sa ibang kalapit na hanay ng kapulisan upang matukoy at maaresto ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments