𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗧𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗜𝗗𝗜𝗡𝗚-𝗜𝗡-𝗧𝗔𝗡𝗗𝗘𝗠 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬

Dead on arrival sa pagamutan ang 46 anyos na rolling vendor mula Brgy. Bolosan, San Carlos City kinilala bilang si Aurelia De Vera matapos tambangan ng dalawang kalalakihan habang papauwi sana ng bahay.

Naganap ang insidente sa Brgy. Caingal sa nasabing lungsod habang tinatahak ng biktima lulan ng tricycle nito at dalawang menor de edad na anak, isang 17 anyos at 3 taong gulang ang daan pauwi sa kanilang bahay.

Bigla na lamang umanong pinaputukan ang biktima ng tatlong beses ng isa sa dalawang lalaki na lulan naman ng motorsiklo gamit ang caliber 45 at agad na nakatakas.

Naitakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Nakipag-ugnayan naman ang mga awtoridad sa pamilya ng biktima sa posibleng pagkakakilanlan ng mga suspek. Kasalukuyang isinasagawa ng PNP San Carlos ang dragnet operation upang tuluyang mahuli ang mga suspek sa naturang krimen. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments