𝗖𝗔𝗥𝗘𝗚𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗠𝗜𝗡𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘

Dead on arrival sa pagamutan ang isang trenta y dos anyos na Caregiver matapos itong masangkot sa aksidente sa Alaminos City.

Ang biktima ay nakilalang si Francis Bautista residente ng Barangay Pocal Pocal sa nasabing Lungsod.

Naganap ang aksidente pasado alas singko ng madaling araw sa Barangay Tanaytay habang sakay ng tricycle ang biktima ng bigla umano itong tumigil sa gitna ng kalsada upang ayusin ang tricycle subalit aksidenteng nabangga ng bus na kasalubong nito.

Dahil dito ay nagtamo ng matinding sugat sa ibat ibang bahagi ng Katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments