𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Kalaboso ang isang trenta y sais anyos na beautician matapos itong mahuli sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Mangaldan.

Ang nasabing suspek ay nakilalang si Rowell Millare residente ng Lungsod ng Dagupan at isang street level individual sa usapin ng illegal drugs.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng gabi sa Barangay Poblacion na nagresulta sa pagkakakumpiska dito ng dalawang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng mahigit Isang gramo at nagkakahalaga ng mahigit pitong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments