
Cauayan City – Pasok sa listahan ng official candidates ng Binibining Pilipinas 2026 ang Cauayeña Beauty Queen na si Jarina Sandhu.
Sa inilabas na anunsyo ng Binibining Pilipinas Organization, kabilang si Jarina Sandhu sa Top 36 official candidates ng prestihiyosong beauty pageant kung saan ire-representa nito ang Cauayan City.
Matatandaang unang nakilala si Jarina bilang kinatawan ng lalawigan ng Isabela sa Miss Universe Philippines noong 2025 kung saan pasok rin ito sa Top 20.
Samantala, marami naman ang nag-aabang sa pagbabalik ng Cauayeña Beauty Queen sa pageantry matapos ang huling sabak nito noong 2025.
Sa panayam ng IFM News Team kay Jarina, sinabi nito na pinaghandaan niya ang pagsali sa Binibining Pilipinas at maraming pagbabago ang dapat abangan sa kanya ng kanyang mga taga-suporta.










