Friday, April 24, 2026

𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗛𝗔𝗡𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦𝗔𝗡

Cauayan City – Mariing pinapaalalahanan ng pamunuan ng Cauayan City Police Station ang mga magulang ng mga estudyante ngayong panahon ng Semana Santa at sa nalalapit na pagtatapos ng pasukan.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Avelino Canceran Jr., hepe ng Cauayan City Police Station, nalalapit na ang pagkakaroon ng long vacation ng mga bata dahil sa paggunita ng Semana Santa, at nalalapit na rin ang pagtatapos ng School Year ngayong taon.

Dahil dito, nananawagan ito sa mga magulang na bantayan ng maigi ang kanilang mga anak.

Aniya, maliban sa bakasyon ay dumating na rin ang panahon ng tag-init kaya naman marami sa mga kabataan ang magkakayayaang maligo sa mga katubigan.

Upang matiyak ang kanilang kaligtasan, maiging bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at alamin ang kanilang mga aktibidad upang matiyak ang kanilang kaligtasan.

Maliban rin sa pag-iwas sa posibleng kapahamakan, maiiwas rin ang mga ito sa posibleng maling impluwensiya na dala ng mga maling kaibigan na kanilang nakakasama.

Hinimok ng PLTCOL Canceran ang mga magulang na alamin at kilalanin ng mga magulang ang nakakahalubilo ng kanilang mga anak upang matiyak ang kanilang seguridad at kaligtasan.

Facebook Comments