𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦

Nalalapit nang matapos ang newly constructed na Super Family Health Center sa bahagi ng Barangay Bolosan sa Dagupan City kung saan malaki ang maitutulong para sa mga residente roon.

Nasa siyamnapung porsyento na ang konstruksyon ng naturang proyekto na maghahatid ng ibat ibang serbisyong pangkalusugan sa mga residente sa eastern barangay.

Sa oras na mabuksan na ang naturang health center sa publiko ay naglalaman ito ng Primary Health Care Facilities gay ng Pharmacy, Ultrasound, ECG, X Ray, Birthing Area, Minor Operating Room, Ward, Dental, TB DOTS, Laboratory at iba pang out-patient services.

Ilan naman sa mga residenteng posibleng makinabang rito ay mula sa mga barangay ng Bolosan, Salisay, Mangin, Tambac, Tebeng, at Mamalingling.

Samantala, ang naturang proyekto ay kasama rin sa layon na mapalawig pa ang serbisyong pangkalusugan ng planong pagpapatayo ng Maternal and Children Hospital sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments