Pormal nang inilunsad ngayong araw ng tatlong araw na Children’s Summit sa lungsod ng Dagupan, na gaganapin mula ika 5-7 ng Pebrero.
Ang nasabing programa ay nag-umpisa sa pamamagitan ng unity walk ng mga kalahok, na pawang mga mag-aaral, sa may bahagi ng New De Venecia Road.
Inaasahan sa naturang kaganapan na ito’y lalahukan ng nasa higit 20,000 na mga mag-aaral sa lungsod upang alamin ang mga ideya at aksyon na kailangang isakatuparan sa ilalim ng United Nations Sustainable Development Global Goals (UN SDGs).
Kaagapay ng lokal na pamahalaan ng Dagupan sa naturang programa ang iba’t ibang hanay sa lipunan, tulad na lamang ng DepEd, DOH, Law Enforcement Agencies at ng UN SDG Sponsors na magsasakatuparan sa kanilang layunin. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments