𝗕𝗘𝗔𝗨𝗧𝗜𝗖𝗜𝗔𝗡 𝗔𝗧 𝗟𝗜𝗩𝗘-𝗜𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥 𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗛𝗨𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔-𝗣𝗢𝗧 𝗦𝗘𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚𝗔𝗡

Huli sa akto ang beautician at live-in partner nito na nagpa-pot session sa bayan ng Asingan.

Ang mga suspek na mag live-in partner din ay agad na inaresto matapos silang naaktuhang nagpa-pot session sa kanilang bahay.

Bago ito, isa umanong tawag mula sa concern citizen ang nagsumbong kaugnay sa nagaganap na pot session sa lugar ng mga suspek kung saan ay agad itong tinungo at naabutan pa sila habang ginagawa ito.

Dito ay nakumpiska sa mga suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng isang gramo at nagkakahalaga ng ₱6,800.00.

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang nasabing mag live-in partner. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments