
Cauayan City – Agarang nagsagawa ng medical evacuation ang Coast Guard District Palawan (CGDPAL) sa pamamagitan ng Coast Guard Station Central Palawan (CGSCP) para sa isang nasugatang tripulante ng MV SEACON NOLA madaling-araw ng Pebrero 18, 2026.
Bandang 5:30 ng umaga nang makatanggap ng ulat ang District Command Center hinggil sa 24 na taong gulang na Chinese national na nagtamo ng malubhang pinsala sa kanang kamay.
Ang barko ay nasa layong humigit-kumulang 18.9 nautical miles timog-silangan ng Brgy. Mangingisda, Puerto Princesa City, ng humingi ng tulong sa Coast Guard.
Kaagad na nagdeploy ng HSRB 006 ang CGSCP, katuwang ang District Operations at CGMED-Pal personnel, upang isagawa ang MEDEVAC operation.
Pagsapit ng 10:50 ng umaga, ligtas na naihatid ang pasyente sa ACE Medical Center Puerto Princesa at maayos na na-turnover para sa karagdagang gamutan.
Source: The Palawan Times
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










