𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗖𝗢𝗖 𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚

Handa na ang Commission on Elections (COMELEC) Dagupan para sa mga kandidatong maghahain ng certificate of candidacy (COC) ngayong araw.

Sa panayam ng IFM News Dagupan kay COMELEC Dagupan Atty. Frank Sarmiento, nauna na itong nakipag ugnayan sa mga aspirant ang proseso at paraan na dapat sundin at gawin sa pagpa-file ng kanilang COC.

Binigyang linaw rin nito na bukas ang tanggapan sa mga araw ng sabado at linggo upang paunlakan ang sinomang maghahain ng kanilang kandidatura.

Nakipag-ugnayan na rin ang tanggapan sa awtoridad tulad ng PNP at iba pang ahensya para sa seguridad at kaligtasan sa pagsasagawa ng isang buong linggong COC filing. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments