Naghahanda na ang Commission on Elections para sa nalalapit na muling pagbubukas ng voterβs registration sa ika-12 ng Pebrero, ngayong taon para sa 2025 National and Local Elections.
Dahil sa muling pagbubukas ng registration, muling nananawagan si Atty. Marino Salas ang COMELEC Pangasinan election supervisor sa publiko na hindi pa nakapag-parehistro na magtungo na sa mga tanggapan ng COMELEC upang magparehistro at upang malayang makapili ng nais iboto.
Aniya pa, hindi na mahihirapan ang publiko na malayo sa kanilang original na lugar dahil may ilulunsad ang komisyon na tinatawag na Register Anywhere Program (RAP) kung saan maaari nang makapagparehistro ang publiko sa kahit anong lugar na pagtatalagaan ng programang ito.
Aniya, itatalaga ang mga ito sa bawat lungsod at capital town sa bansa kung saan dito sa Pangasinan, ilulunsad ito sa bayan ng Lingayen na Capital town ng probinsiya at mga lungsod ng San Carlos, Dagupan, Urdaneta at Alaminos.
Dagdag pa nito na ang RAP ay kalakip na tuwing magsasagawa ng voterβs registration.
Dito, maaaring lamang magpakita ng valid ID na kasama ang ang mukha at pirma ng magpaparehistro kung saan maaaring gamitin ang PhilID Cards o EPhiIDs sa paparehistro. |πππ’π£ππ¬π¨