𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗡𝗔 𝗥𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗡𝗔𝗞𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗦𝗛 𝗔𝗠𝗘𝗟𝗜𝗢𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡

Nasa higit apat na raan o 478 na mga tanod mula sa ibat ibang barangay sa Manaoag ang nakatanggap ng cash amelioration mula sa pamahalaang panlalawigan.

Nakatanggap ang bawat brangay tanod ng tig-isang libong pisong halaga ng cash amelioration kung saan bahagi ang mga ito sa nasa dalawang libong civilian volunteers na makakatanggap ng naturang pinansyal.

Ang naturang pamamahagi sa mga barangay tanod ay para sa pagbibigay ng suporta at pagkilala sa kanilang serbisyo at pagiging katuwang ng mga barangay officials sa pagsasakatuparan ng kapayapaan at kaayusan sa kani-kanilang nasasakupan.

Samantala, nakatanggap rin ng cash amelioration ang ilang pang civilan volunteers mula sa mga bayan ng San Fabian, Mangaldan, at San Jacinto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments