𝗖𝗢𝗠𝗣𝗥𝗘𝗛𝗘𝗡𝗦𝗜𝗩𝗘 𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗨𝗦𝗘 𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗠𝗔𝗦𝗜𝗡𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗞𝗔𝗬

Masinsinang tinalakay sa naganap na pagpupulong ng lokal na pamahalaan ng Manaoag kasama ang mga Manaoageno na nabibilang sa residential, commercial, industrial, agricultural, recreational at iba pa ang ukol sa Comprehensive Land Use Plan ng naturang bayan.

Ang comprehensive land use plan kasi ng bayan, higit dalawang dekada nang hindi nauupdate kaya naman isinagawa na ang naturang pulong para talakayin ang tamang paggamit sa mga lupa na mayroon ang bayan.

Inaasahan na magagamit ang pagsasaayos na ito sa pagsasakatuparan rin ng mga proyektong maaaring makatulong sa pagpapaunlad ng bayan.

Ang pagsasagawa nito ay para umano matutukan ng maayos ang Urban Plan ng bayan.

Samantala, naging katuwang rin sa pag uusap na ito ang Municipal Planning Development Office, at iba pang department heads, barangay officials, negosyante at mga pribadong indibidwal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments