𝗧𝗥𝗜𝗖𝗬𝗖𝗟𝗘 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥, 𝗧𝗜𝗠𝗕𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗟𝗔𝗢𝗔𝗖

Arestado ang isang trenta y otso anyos na tricycle driver matapos ang ikinasang buy bust operation sa bayan ng Laoac.

Kinilala ang suspek na si Renato lomibao residente ng nasabing bayan.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alas nuebe ng gabi na nagresulta sa pagkakakumpiska sa suspek ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng 1.24 grams na nagkakahalaga ng mahigit walong libong piso.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments