Friday, February 20, 2026

𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗢𝗟𝗟𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗔𝗗 𝗧𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗧𝗘𝗘𝗟 𝗖𝗢𝗡𝗡𝗘𝗖𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗕𝗔𝗚𝗔𝗡-𝗦𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗠𝗔𝗥𝗜𝗔 𝗕𝗥𝗜𝗗𝗚𝗘, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Cauayan City – Isinagawa ang controlled load testing sa steel connector ng Cabagan–Sta. Maria Bridge bilang pansamantalang solusyon sa gumuhong bahagi ng Span Number 3 ng nabanggit na tulay.

Gumamit ng mga light vehicles sa pagsusuri upang matiyak ang tibay at kakayahan ng itinayong connector na suportahan ang mga dadaan na sasakyan.

Kasunod nito, isasagawa rin ang asphalt overlay sa connection joint sa pagitan ng mga span ng tulay upang matiyak ang maayos na paglipat ng mga sasakyan at mapanatili ang kaligtasan ng mga motorista.

Ayon kay Vince Dizon, Kalihim ng Department of Public Works and Highways, target na muling buksan sa publiko ang tulay sa Marso matapos makumpleto ang lahat ng kinakailangang inspeksyon at finishing works.

Nabanggit din ng kalihim na balak niyang imbitahan si Ferdinand Marcos Jr. upang pangunahan ang pormal na pagbubukas ng tulay.

Samantala, patuloy na pinag-aaralan ng ahensya ang pangmatagalang solusyon para sa ganap na rehabilitasyon ng buong estruktura ng tulay.

SOURCE. ISABELA PIO

————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

‎#985ifmcauayan
‎#idol
‎#numberone
‎#ifmnewscauayan

Facebook Comments