
Nananatiling mapayapa ang isinasagawang transport strike ng iba’t ibang grupo simula ngayong araw sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Spokesperson Police Major Hazel Asilo, wala namang naitatalang untoward incident sa nagaganap na mga kilos-protesta.
Kaugnay nito, bago pa ang alas-5 ng umaga ay nagtalaga na ng mga sasakyan ang Philippine National Police (PNP) para maghatid ng libreng sakay sa iba’t ibang parte ng Metro Manila, lalo na sa mga lugar na may posibleng ma-stranded na ina-assist ng mga kapulisan.
Samantala, aminado naman si Asilo na may mga stranded pa rin dahil mayroong mga lumalabas na hindi gaanong kaimportante ang lakad na nakadadagdag sa bulto ng mga pumapasok sa kanilang mga paaralan at trabaho.
Nabatid na ito ay dalawang araw na transport strike hanggang bukas March 27 bilang protesta sa tumataas na presyo ng langis.










