Inaprubahan na ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board o LTFRB ang mga special permits na gagamitin ng mga bus companies ngayong papalapit na Semana Santa.
Umaabot sa labinglima ang nasabing permit na nagbibigay awtoridad upang magkaroon ng karagdagang biyahe ang mga bus companies upang maging tuloy-tuloy ang biyahe nito.
Sa ngayon, handa na diumano ang mga ito sa tuluyang pagdagsa ng mga biyahero sa susunod na linggo. Sinigurado rin ng mga bus companies sa lalawigan na nasa kondisyon ang kanilang mga sasakyan upang maiwasan ang anumang aberya.
Samantala, ang hanay ng kapulisan sa lalawigan ay handa na rin para sa Oplan SUMVAC, kung saan sisikapin nilang panatilihin ang pagiging mapayapa ang paggunita ng mahal na araw sa iba’t ibang pilgrimage sites at tourist spots sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨