𝗢𝗣𝗟𝗔𝗡 𝗦𝗨𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗩𝗔𝗖𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗢 𝗦𝗨𝗠𝗩𝗔𝗖 𝗡𝗚 𝗣𝗡𝗣 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗔𝗟𝗟 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠𝗦 𝗚𝗢 𝗡𝗔

All systems go na ang buong hanay ng PNP sa pagpapatupad ng kaayusan at kaligtasan ng mga Pangasinense maging mga bibisita sa lalawigan kasabay ng summer vacation na inaasahang mag uumpisa ngayong linggo dahil sa holy week.

Nakahanda na ring i-deploy ang nasa halos anim na daang mga kapulisan sa buong lalawigan kasama pa ang mga force multipliers.

Sa naging panayam ng ifm dagupan kay Pangasinan PNP Public Information Officer Police Captain Renan Dela Cruz pangunahing tututkan aniya ay mga pook pasyalan na inaasahang dadayuhin ng mga bisita at Turista.

Ngayong semana naman aniya ay nakatutok sila sa iba’t-ibang mga pilgrimage site sa probinsya na dinarayo gaya ng Minor Basilica ng Manaoag at iba pa.

Sa ngayon ay kaya naman umano ng man power ng PNP Pangasinan ang pagbabantay sa buong lalawigan sa kasagsagan ng semana at summer vacation lalo pay at ilang linggo na din itong pinaghandaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments