Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang Isang trentaβy singko anyos na ginang matapos itong paghahampasin ng kawayan sa bayan ng Calasiao.
Ang sinasabing dahilan ng away ay dahil sa maingay na Radyo ng suspek na Isang singkwentaβy-kwatro anyos na lalaki.
Ayon sa imbestigasyon, nakikinig sa kanyang transistor radio ang suspek pasado alas-diyes ng umaga.
Naingayan ang biktima sa Radyo ng suspek kung kayaβt kumuha ito ng matigas na bagay at ibinato sa bintana ng bahay ng suspek.
Dito na nagalit ang suspek at nagkaroon pa sila ng mainitang pagtatalo hanggang sa kumuha ng sanga ng kawayan ang suspect at pinaghahampas ito sa ibaβT-ibang bahagi ng Katawan.
Nagtamo ng mga sugat ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan Habang naaresto ng mga pulis ang suspek. | πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments