𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗟𝗢 𝗡𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗥𝗔𝗪 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗪𝗔𝗪𝗔𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗢𝗚 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Natagpuang palutang-lutang sa ilog sa Urdaneta City ang bangkay ng isang sesenta’y siyete anyos na lolo na ilang araw na ring nawawala.
Nakita ito pasado alas-siyete ng umaga sa kanilang Barangay sa brgy. San Vicente sa nasabing Lungsod.
Ayon sa imbestigasyon, linggo ng Gabi ng magpunta sa peryahan sa city proper ang biktima at bigong makabalik.

Hanggang sa makita na lang itong palutang-lutang dakong Alas-siyete ng umaga, kahapon.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng pnp sa posibleng dahilan ng kanyang pagkamatay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments