Monday, March 23, 2026

๐——๐—”๐—Ÿ๐—”๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ž๐—”๐—ก๐——๐—œ๐——๐—”๐—ง๐—” ๐— ๐—จ๐—Ÿ๐—” ๐—œ๐—ฆ๐—”๐—•๐—˜๐—Ÿ๐—”, ๐—ฆ๐—จ๐— ๐—”๐—•๐—”๐—ž ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ๐—•๐—œ๐—ก๐—œ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฒ

Cauayan City – Naghain na ng kani-kanilang aplikasyon ang dalawang kandidata mula sa lalawigan ng Isabela para sa Binibining Pilipinas 2026.

โ€ŽKinilala ang mga ito na sina Kristine Guzman mula sa Lungsod ng Ilagan at Jarina Sandhu mula sa Lungsod ng Cauayan.

โ€ŽOpisyal na sumabak ang dalawa sa prestihiyosong patimpalak matapos makumpleto ang kanilang aplikasyon para sa kompetisyon ngayong taon. Umaasa silang maipakita ang kanilang husay at kakayahan sa national stage.

โ€ŽSi Guzman ay may matibay na karanasan sa pageantry matapos tanghaling Binibining Ilagan noong 2023 at Queen Isabela noong 2024.

โ€ŽSamantala, si Sandhu ay kinoronahang Queen Isabela noong 2025 at naging bahagi rin ng Top 24 ng Miss Universe Philippines sa parehong taon.

โ€ŽNakatakda namang isagawa ang huling screening ng Binibining Pilipinas 2026 sa ika-23 ng Marso, kung saan pipiliin ang mga opisyal na kandidatang lalahok sa naturang patimpalak.

โ€ŽSource and photo: RCVN

Facebook Comments