𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡 𝗖𝗔𝗥𝗟𝗢𝗦 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗕𝗔𝗕𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦

Dalawang lalaki, nagngangalang John Mark Lee at Niño Mahusay, parehong residente ng Brgy. Ebingay, Masbate City, ang inaresto ng San Carlos City Police Station dahil sa pambabastos umano sa kapulisan na nagsasagawa ng checkpoint sa lugar.

Naganap ang insidente sa harap ng isang restobar sa Brgy. Rizal sa nasabing bayan kung saan pinagmumura ng mga lasing na suspek ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita.

Nilapitan pa umano ng awtoridad ang mga suspek upang ipaliwanag ang Oplan Sita ngunit tumawa lang ang mga ito at biglang sinuntok ang pulis na nailagan naman nito.

Dito na agarang inaresto ang mga suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments