𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔 𝗞𝗔𝗧𝗔𝗢, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔𝗦𝗜𝗦

Nahaharap na sa kaukulang kaso ang dalawa katao matapos ang ikinasang buy bust operation laban sa mga ito sa bayan ng Villasis.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Marklyn Duca at Marco Terrado, parehong residente ng Dagupan City.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa mga suspek pasado alas onse ng gabi na nagresulta sa pagkumpiska sa mga suspek ng Isang sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng .53 grams at nagkakahalaga ng mahigit tatlong libong piso.

Nang kapkapan ang mga ito ay nakakuha na ng limang sachet ng hinihinalang shabu ang mga pulis sa mga ito na tumitimbang ng mahigit labing tatlong gramo at nagkakahalaga ng mahigit siyamnapung libong piso.

Nasa kustodiya na ngayon ng pnp ang mga suspek at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments