𝗣𝗜𝗡𝗧𝗢𝗥 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗡𝗔𝗚-𝗦𝗨𝗜𝗖𝗜𝗗𝗘 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗡𝗦𝗬𝗔𝗟

Nakabitin gamit ang nylon ang bumungad sa isang ginang matapos makita ang asawa nito na isang pintor mula Brgy. Tamaro, Bayambang sa ginawa nitong pansamantalang tahanan.

Bago ang insidente, nakita umano ng isang witness kasama ang apo ng biktima na umiinom ito ng ammonium sulfate o fertilizer habang sinasabi umano nito na mamamatay na siya mamaya. Napigilan naman ng ito ang biktimanat nagkulong sa ginawa nitong bahay.

Kalaunan nang tingnan ng asawa ang biktima ay tumambad sa kanya na nakabitin na ito. Inamin din ng ginang na madalas sabihin sa kanya ng asawa na alalahanin nito ang pinansyal ukol sa nalalapit na kasal ng anak nito.

Narekober sa pinangyarihan ang nylon rope, isang sako ng fertilizer at alak. Isinugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival. Wala rin nakitang foul play o pagpupumiglas ang awtoridad sa katawan ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments