Umakyat na sa mahigit siyam na bilyong piso ang danyos ng El Niño Phenomenon sa sektor ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA) nito lamang Martes, umabot sa P9.5M ang halaga ng pinsala at katumbas nito ang nasa 175, 063 na mga magsasaka at mangingisda ang apektado.
Kabilang ang Ilocos Region sa labing-apat na mga rehiyon sa bansa na pinaka apektado ng El Niño.
Matatandaan na nakapagtala ng PHP 152M ng danyos sa buong Region 1.
Samantala, nagpapatuloy ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng DA sa mga naapektuhang mamamayan ng epekto ng El Niño. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments