𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗢𝗙𝗪 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗧𝗜 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗥𝗜𝗟𝗜 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬

Wala ng buhay nang makita sa sariling bahay ng 45 anyos na tricycle driver ang asawa nito na isang dating OFW, residente ng Brgy. Poblacion, Malasiqui.

Nagpaalam pa umano ito sa kanyang asawa na namamasada ngunit pagbalik ay nadatnan niya na itong nakabitin sa kanilang kwarto. Aminado naman ito na umiinom ng gamot kontra mental illness ang asawa

Isinugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit idineklarang pumanaw na.

Sa imbestigasyon ng awtoridad, walang nakitang senyales ng kaguluhan sa pinangyarihan ng krimen ngunit pinayuhan ang pamilya ng biktima na isailalim sa autopsy examination ang bangkay nito.

Kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang awtoridad ukol sa insidente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments