𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗨, 𝗜𝗧𝗜𝗡𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗖𝗘𝗢 𝗔𝗧 𝗔𝗗𝗠𝗜𝗡𝗜𝗦𝗧𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗣𝗖𝗔; 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗟𝗧 𝗜𝗡𝗗𝗨𝗦𝗧𝗥𝗬 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗡𝗜𝗟𝗔𝗛𝗔𝗗

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.ang dating presidente ng Pangasinan State University na si Dr. Dexter R. Buted bilang bagong Chief Executive Officer at Administrator ng Philippine Coconut Authority.

Kamakailan lang ay nanumpa na sa tanggapan ng Kagawaran ng Agrikultura at pangunguna ni Secretary Francisco Laurel Jr. si Dr. Buted.

Sa isinagawang send-off ceremony na pinangunahan ng mga opisyal ng unibersidad para kay Dr. Buted, kinilala ang mga pangaral, istilo, at kahusayan nito sa serbisyo bilang Presidente sa loob ng walong taong panunungkulan niya sa Pangasinan State University mula 2014-2022.

Binigyang-diin nito ang kasaganaan ng asin na maaaring maging fertilizer na gamitin ng Philippine Coconut Authority dahil sa moisture content nito. Hinikayat niya ang mga Pangasinense na mag-invest sa salt making.

Sa kanyang mensahe, ipinahiwatig nito ang kabutihan ng pagkakatalaga niya upang mas makatulong sa mga estudyante pagdating sa scholarship programs at sa mga magsasaka sa Northern Luzon sa usaping health benefits at hospitalization na ipinagkakaloob ng PCA. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments