𝗗𝗜𝗚𝗜𝗧𝗔𝗟 𝗧𝗥𝗔𝗡𝗦𝗙𝗢𝗥𝗠𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗞𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗 𝗡𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗕𝗜𝗦𝗬𝗢 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 , 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗨𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗖𝗜𝗩𝗜𝗟 𝗦𝗘𝗥𝗩𝗜𝗖𝗘 𝗖𝗢𝗠𝗠𝗜𝗦𝗦𝗜𝗢𝗡 𝗥𝟭

Isinusulong ng tanggapan Civil Service Commision Region 1 ang digital transformation pagdating sa dekalidad na serbisyo publiko ng gobyerno sa mga Pilipino.

Ayon kay CSC Senior Human Resource Specialist ng Western Pangasinan Field Office Romel Rivera, makatutulong na mapanatili at maiangat pa ang serbisyo publiko kung sasabay ang bansa sa global demands na tinututukan ang paggamit ng digital transformation at innovation.

Layunin nito na mas mapabilis at mapagaan ang sistema sa gobyerno upang maiangat ang kalidad ng serbisyo publiko.

Ayon sa ahensya, target nito na maging isang progresibong bansa ang Pilipinas na may maganda at maayos na buhay dahil sa protektado at pinamamahalaan ng malinis, maaasahan, at pantay na gobyerno.

Sa kabilang banda, inilatag rin ng Civil Service Commission Region 1 ang mga programang kanilang inihanda ngayong buwan bilang selebrasyon sa Civil Service Month. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments