Monday, February 9, 2026

𝗗𝗥𝗔𝗜𝗡𝗔𝗚𝗘 𝗖𝗔𝗡𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗥𝗚𝗬. 𝗖𝗨𝗟𝗔𝗟𝗔𝗕𝗔𝗧, 𝗣𝗟𝗔𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗔𝗬𝗨𝗦𝗜𝗡


Cauayan City – Patuloy ang pagsisikap ng pamunuan ng Barangay Culalabat, Cauayan City, Isabela sa pagpapabuti ng kanilang imprastraktura upang maiwasan ang pagbaha at mapanatili ang kaayusan sa komunidad.

Ayon kay Kagawad Saturnino Abad, natapos noong 2025 ang konstruksyon ng drainage canal sa Purok 5 at Purok 6 na umaabot hanggang sa boundary ng Brgy. Guayabal at Brgy. Culalabat.

Malaki ang naitulong nito sa maayos na daloy ng tubig at sa pag-iwas sa pagbaha sa nasabing mga lugar.

Bukod dito, natapos na rin ang kanilang Community Center na magsisilbing lugar para sa mga aktibidad at pagpupulong ng barangay. Gayunman, plano pa ng pamunuan na maglagay ng extension upang mas mapalawak ang serbisyong maibibigay nito sa mga residente.

Naipatupad na rin ang pagtatayo ng tatlong Materials Recovery Facility (MRF) bilang bahagi ng kanilang programa sa wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kalikasan.

Sa kasalukuyan, nakatuon naman ang kanilang plano sa pagsasaayos ng lumang canal sa Purok 7 na naglalayong maiwasan ang pagbaha at maprotektahan ang mga kabahayan sa nasabing lugar, lalo na tuwing tag-ulan.

Patuloy naman ang panawagan ng barangay sa mga residente na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan upang masigurong magiging epektibo ang mga proyektong pang-imprastraktura.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments