Tinatayang 3,600 food at non-food items mula sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 ang dumaan sa random inspection bago ihatid sa mga satellite offices partikular sa Sta.Barbara, Pangasinan.
Layunin ng inspeksyon na matiyak ang kalidad ng food at non-food items sa bawat kahon na matatanggap ng mga benepisyaryo na pinangunahan ng Commision on Audit.
Kaugnay nito, karagdagang 771 food packs ang inihatid sa satellite office sa Rosales na nakalaan sa mga apektadong pamilya sa bayan ng Mangatarem.
Samantala, sumailalim sa pagsasanay ang mga miyembro ng Incident Management Team ng DSWD FO1 na nangunguna sa quality control at pagproseso sa mga dokumento bago i-deliver ang mga mga tatanggap na tulong ng lokal na pamahalaan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨