Thursday, March 5, 2026

𝗗𝗦𝗪𝗗 𝗡𝗔𝗚𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗧𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗜𝗟𝗬𝗔 𝗡𝗚 𝟭𝟬-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘


Cauayan City – Nag-abot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development Field Office 02 (DSWD FO2) sa pamilya ng sampung taong gulang na batang nasawi sa isang vehicular accident sa Barangay San Felipe, Ilagan City, Isabela.

Nakatanggap ang naiwang pamilya ng kabuuang P15,000 na food at burial assistance mula sa ahensya upang makatulong sa kanilang agarang pangangailangan habang sila ay nagdadalamhati sa sinapit ng kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa DSWD, patuloy silang nakahandang umalalay sa mga pamilyang nangangailangan ng suporta sa panahon ng krisis.

Matatandaang nasawi ang sampung-taong gulang na bata sa Brgy. San Felipe, Ilagan City, Isabela, matapos itong magulungan ng dump truck.

Sa kasalukuyan ay nakaratay na sa kanilang tahanan ang bata.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon hinggil sa insidente.
————————————–

‎Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan

Facebook Comments