Saturday, April 4, 2026

36 paaralan, magsisilbing voting center sa Antipolo 2nd District Special Elections —Comelec

Patuloy ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa idaraos na halalan sa Ikalawang Distrito ng Antipolo City.

Ayon sa Comelec, 36 na paaralan ang magsisilbing voting centers sa special elections sa March 14.

Dalawang barangay naman ang sakop ng Lores Elementary School na magsisilbi ring voting center.

Habang sa kabuuan, nasa 348 ang polling precincts na gagamitin mula sa 8 kalahok na barangay sa lungsod.

Una nang idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang special non-working holiday sa mga lugar na sakop ng Ikalawang Distrito upang makaboto ang mga residente.

Facebook Comments