𝗗𝗧𝗜, 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢 𝗡𝗔 𝗧𝗔𝗡𝗚𝗞𝗜𝗟𝗜𝗞𝗜𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗜𝗦𝗞𝗪𝗘𝗡𝗧𝗢 𝗖𝗔𝗥𝗔𝗩𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗡𝗢𝗖𝗛𝗘 𝗕𝗨𝗘𝗡𝗔 𝗣𝗥𝗢𝗗𝗨𝗖𝗧𝗦 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗦𝗞𝗨𝗛𝗔𝗡

Hinimok ng Department of Trade and Industry (DTI) Pangasinan ang lahat ng mga mamimili na tangkilikin ang Diskwento Caravan para makapamili ng mga produktong pang Noche Buena may bawas presyo o diskwento.
Ayon kay DTI-Pangasinan Provincial Director Natalia Dalaten na sa panahon ng caravan, ang mga mamimili ay maaaring maka-avail ng mga diskwento na hindi bababa sa 10% mula Nobyembre 16 hanggang sa unang linggo ng Disyembre na lalahukan ng Magic Group of Companies at CSI stores, at marami pang iba.
Dagdag pa niya, patuloy ang isinasagawang inspeksyon at monitoring ng ahensya upang tiyakin ang mga produkto na pasok sa umiiral na suggested retail prices (SRP).

Sapat din ang suplay ng mga produkto sa lalawigan ngayong nalalapit na kapaskuhan.
Hinimok din ng ahensya na sa ngayon mamili na ng paunti-unti ng mga kailangan sa mga okasyon upang hindi na mahirapan sa pamimili sa rushed dates. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments