𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗖𝗟𝗘𝗔𝗥𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗔𝗬 𝗧𝗔𝗣𝗨𝗔𝗖, 𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗥𝗘

Ililibre na sa mga taga Barangay Tapuac Dagupan City ang mga Barangay Clearance sa mga ka Barangay na kukuha nito.
Ito ang inanunsiyo ni Barangay Tapuac Elect Sidney Lomboy sa naging panayam ng IFM Dagupan.
Aniya, nitong mga nakalipas na mga administrasyon sa nasabing Barangay ay may mga binabayaran na ₱150 o kaya naman ay ₱100 pesos.

Kawawa aniya ang mga residente na kukuha ng Barangay Clearance lalo na kadalasan sa mga ito ay wala pang trabaho.
Ang paglilibre ng Barangay Clearance ay isa lang aniya sa mga proyekto niya sa kanilang Barangay pagkaupo nito sa pwesto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments