𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗦𝗢𝗟𝗜𝗗 𝗪𝗔𝗦𝗧𝗘 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗚𝗘𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗔𝗢𝗔𝗚, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗜𝗚𝗧𝗜𝗡𝗚

Pinapaigting ngayon ang epektibong solid waste management sa bayan ng Manaoag para sa layon na maalis ang problema pagdating sa basura.

Sa isinagawang pagpupulong ng Municipal Solid Waste Management Board para sa unang quarter nito, tinalakay ang mga ukol sa plano at programa para masolusyunan ang problema sa basura.

Isa sa mga plano ay ang pabili ng refurbished Japanese-made heavy equipment ma siyang matibay at na magagamit sa dumpsite operation ng LGU.

Dapat din umanong malaman ng mga residente ang kahalagahan ng wastong pamamahala ng basura tulad ng paghihiwalay sa mga nabubulok at mga pwede pang i-recycle.

Isinaayos din ang mga Material Recovery Facilities at Fuel o Disposal Subsidy para sa bawat barangay ng naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments