𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗥𝗢𝗨𝗚𝗛𝗧 𝗦𝗘𝗔𝗦𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗠𝗕𝗔𝗡𝗚, 𝗜𝗡𝗔𝗞𝗦𝗬𝗨𝗡𝗔𝗡; 𝟭𝟬 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗣𝗨𝗠𝗣𝗦, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜

Ipinamahagi sa ilang farmers association sa bayan ng Bayambang ang mga water pumps kung saan bahagi ng pag-aksyon ng lokal na pamahalaan sa epekto ng el nino.

Tinanggap ng sampung farmers association ang mga water pumps mula mismo sa tanggapan ng National Irrigation Authority (NIA).

Mapapakinabangan ang mga water pumps na ito ng ilang mga barangay sa bayan na may problema pagdating sa irigasyon.

Makatutulong rin ito sa mga magsasaka para sa pagpapanatili ng produktibidad at agrikultura sa gitna ng tagtuyot.

Samantala, ilan sa barangay na makikinabang sa naturang water pumps ay ang mga barangay ng Amancosiling Norte, Amancosiling Sur, Bical Norte, Bical Sur, Buayaen, Sancagulis, Dusoc, Tanolong, Pangdel, at Tatarac. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments