𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗔𝗞 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗕𝗨𝗞𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗚𝗢𝗩𝗘𝗥𝗧𝗔𝗞𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢; 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥 𝗡𝗚 𝗧𝗥𝗨𝗖𝗞, 𝗧𝗨𝗠𝗔𝗞𝗔𝗦

Dead on arrival sa pagamutan ang 20 anyos na College student kinilalang si Myvrick Palcis mula Brgy. Anonas, Urdaneta City matapos mabangga sa kanang bahagi ang isang mini dump truck habang sinusubukan nitong mag overtake dito.

Naganap ang insidente sa kahabaan ng Brgy. San Miguel, Calasiao. Nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima at nakasuot ng helmet ng maganap ang insidente.

Kasalukuyan pang pinaghahanap ang driver ng truck matapos itong tumakas at takbuhan ang biktima. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad at nangangalap ng CCTV footage para sa posibleng pagtukoy ng pagkakakilanlan ng driver. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments