𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗟𝗢 𝗦𝗔 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗪𝗜

Patay ang isang lalaki matapos dumalo sa isang kasalan na ginanap sa bayan ng Mangaldan.

Sa pahayag ng asawa ng biktima, bumagsak umano ang kaniyang asawa matapos kumain sa nasabing handaan. Agad isinugod sa ospital ang lalaki subalit idineklara itong dead on arrival.

Ayon naman sa pamilya ng biktima, mayroon umano itong hypertension at may iniinom na gamot bilang maintenance. Gayunpaman, hindi pa malinaw kung ano ang eksaktong sanhi ng pagkamatay nito.

Sa ngayon, patuloy na inaalam kung may kinalaman sa init ng panahon ang nasabing pangyayari. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments