𝗙𝗜𝗡𝗔𝗟 𝗟𝗢𝗢𝗞 𝗚𝗢𝗪𝗡 𝗡𝗜 𝗠𝗜𝗦𝗦 𝗨𝗡𝗜𝗩𝗘𝗥𝗦𝗘 𝟮𝟬𝟮𝟮 𝗥’𝗕𝗢𝗡𝗡𝗘𝗬 𝗚𝗔𝗕𝗥𝗜𝗘𝗟, 𝗗𝗜𝗦𝗘𝗡𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗘𝗡𝗦𝗘

Nag-iwan ng iconic mark sa 72nd Miss Universe 2023 si Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel matapos nito ipasa ang korona suot-suot ang marangyang kasuotan na disenyo ng Pangasinenseng si Rian Fernandez para sa final walk nito kamakailan lamang sa bansang El Salvador.
Matatandaan si Fernandez rin ang nagdisenyo ng evening gown ni Gabriel sa laban nito na siyang pinalad na makuha ang korona noong nakaraang taon.
Tunay ngang talentado ang mga Pangasinense sa anumang larangan at dapat ipagmalaki sapagkat itoy hinahangaan ng maging sa ibang bansa.

Mabuhay ang Pilipinas, taas noong ikaw ay Pilipino! |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments