𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗔𝗢𝗡𝗚 𝗚𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗧𝗔, 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗠𝗔𝗣𝗨𝗡𝗧𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗦𝗪𝗜𝗠𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗢𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗚𝗔𝗟𝗟𝗢𝗡

Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki matapos itong malunod nang mapunta sa pang matatanda na swimming pool sa bayan ng Bugallon.
Ang biktima kasama ang ilang mga kaanak ay nasa isang resort sa bayan ng Bugallon upang magsalo salo.
Noong una ay nasa pambatang pool pa ang biktima subalit nagulat na lamang ang mga kaanak ng mga ito nang makitang palutang lutang ang nasabing biktima sa mas malalim na swimming pool.

Agad naman itong isinugod sa pagamutan subalit idineklarang Dead on Arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments