𝗙𝗜𝗡𝗔𝗡𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗔𝗜𝗗, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗔𝗟𝗗𝗔𝗡

Ipinamahagi sa mga Child Development Workers o CDW sa Mangaldan ang financial aid mula sa lokal na pamahalaan bilang pagbibigay halaga sa kanilang gampanin.

Nasa tatlumpu’t isang child development workers ang napamahagian ng naturang financial assistance.

Nakatanggap ang bawat isa ng tatlong libong pisong financial aid para sa taong 2024 kung saan pinangunahan ng alkalde at ng Municipal Development Office.

Isa ang pagbibigay ng financial aid sa mga CDW sa paraan ng lokal na pamahalaan upang pasalamatan ang mga ito sa serbisyong kanilang inihahatid. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments