CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na sapat ang mga naka preposition na food and non-food items para sa mga banta ng kalamidad sa lambak ng Cagayan.
Ayon sa DSWD, 44,026 Family Food Packs (FFPs) ang nakapwesto sa iba’t ibang satellite warehouse, partikular sa Abulug, Lal-lo, Tuguegarao City, pawang sa Cagayan; sa SWAD Isabela, at sa Santiago City, Isabela.
Kabilang sa mga nakahanda ay ang 8,401 Non-Food Items (NFIs), kabilang na rito ang family tents, kitchen kits, hygiene kits, sleeping kits, family kits, mosquito nets, sanitary kits, at modular tents.
Ang ginagawang paghahanda ng ahensya ay alinsunod sa direktiba ni Secretary Rex Gatchalian na pag-preposition ng mga suplay sa mga estratehikong lugar para sa agarang pagtugon sa panahon ng mga kalamidad.