
Patuloy ang pagdating ng mga kababayan natin mula sa Middle East na apektado ng kaguluhan doon.
Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Leo Cacdac, mahigit 300 na Overseas Filipino Workers (OFW) na sakay ng chartered plane ang dumating ngayong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa ngayon aniya ay inaasikaso rin nila ang mga OFW sa Middle East na nagbabakasyon nang sumiklab ang tensiyon.
Samantala, naging emosyonal naman ang isa sa lulan ng chartered flight na si Janeth Tabor mula Pagadian City na nagtrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia.
Muntik na umano siyang hindi makauwi at siya ang naging kahulihang pasahero.
Sa ngayon ay wala na raw siyang balak bumalik sa naturang bansa dahil sa sinapit at ay pagtutuunan muna ang pag-aalaga sa mga anak.
Sinabi naman ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Patricia Yvonne Caunan na hindi pa ito ang huling chartered flight para sa mga OFW na nagnanais makauwi ng Pilipinas.










