𝗚𝗜𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔 𝗞𝗔𝗕𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗛 𝗩𝗔𝗟𝗨𝗘 𝗧𝗔𝗥𝗚𝗘𝗧 𝗡𝗔𝗛𝗨𝗟𝗜𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗣𝗛𝗣 𝟯𝟬𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗦𝗛𝗔𝗕𝗨 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬 𝗕𝗨𝗦𝗧 𝗢𝗣𝗘𝗥𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗔𝗢

Umaabot sa mahigit tatlong daang libong pisong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang ginang na kabilang sa high value targets sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Calasiao.

Ang suspek ay nakilalang si Christine Joy Concepcion tubing metro Manila.

Ikinasa ang buy bust operation laban sa suspek pasado alauna ng hapon sa Brgy. San Miguel na nagresulta sa pagkakakumpiska rito ng isang knot tied ice plastic na naglalaman ng humigit kumulang limampung gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PHP 340k.

Inihahanda na ngayon ang kasong isasampa laban sa nasabing suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments