𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗟𝗔𝗦𝗜𝗤𝗨𝗜, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗜𝗦𝗔𝗡

Nakahandusay sa isang maisan sa Brgy. Aliaga, Malasiqui ang bangkay ng isang lalaki. Kinilala ang biktima na si Rodolfo Perreras, magsasaka sa nasabing lugar.

Sa inisyal na imbestigasyon, bandang alas diyes ng umaga nakita ni Jonathan Pebenito, residente sa parehong lugar, na nagpupulot ng tirang mais ang biktima at saka sinunog ang pinagbalatan. Hanggang sa dakong alas onse ay nakita na lamang niya ang katawan ng biktima na nakahandusay sa maisan at medyo nasunog.

Kinompirma naman ng asawa ng biktima ang katawang natagpuan at sinabing nagpaalam nga ito sa kanya na susunugin ang taniman bilang paghahanda sa pagtatanim ng monggo.

Dumulog naman sa tanggapan ng Urdaneta City Satellite Forensic Unit ang awtoridad upang imbestigahan ang crime scene. Ang request para sa necropsy examination ng bangkay ay naipasa na. Inabisuhan din ng autopsy examination ang bangkay ng biktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments