
βCauayan City – Muling umani ng atensyon sa mundo ng showbiz ang K-pop matapos magwagi ng Grammy Award ang kantang βGoldenβ mula sa pelikulang KPop Demon Hunters.
β
βIto ang kauna-unahang K-pop song na nagkamit ng parangal sa Grammy, bagay na agad naging usap-usapan sa international entertainment scene.
β
βInawit ng fictional group na Huntr/x, tinanghal ang kanta bilang Best Song for Visual Media sa ginanap na awards night sa Los Angeles at nominado rin ito sa Song of the Year.
β
βMatapos ilabas noong Hunyo, naging pinaka-pinapanood sa Netflix ang KPop Demon Hunters na may higit 480 million views.
β
βNanguna rin sa Billboard charts ang soundtrack, patunay ng patuloy na paglawak ng impluwensiya ng K-pop sa global showbiz industry.










