
Cauayan City – Arestado ang isang 39-anyos na guro matapos ipatupad ng pinagsanib na pwersa ng pulisya ang warrant of arrest laban sa kanya sa Brgy. Tagaran, Cauayan City, Isabela.
Kinilala ang akusado bilang alyas “John”, may asawa at residente ng Brgy. San Fermin, Cauayan City.
Siya ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Mary Jane Socan-Soriano, Presiding Judge ng Municipal Trial Court in Cities, Cauayan City, na may petsang December 17, 2019.
Nahaharap ang akusado sa kasong Sexual Harassment na limang bilang at may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng ₱2,000 bawat kaso.
Ayon sa pulisya, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Miranda Doctrine at sa ilalim ng RA 9745 o Anti-Torture Act of 2009.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng RMFB2-205th Maneuver Company ang akusado bago ito tuluyang i-turnover sa kinauukulang yunit para sa kaukulang disposisyon.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










