𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗦𝗔 𝗦𝗘𝗞𝗧𝗢𝗥 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗥𝗜𝗞𝗨𝗟𝗧𝗨𝗥𝗔 𝗡𝗚 𝗘𝗟 𝗡𝗜Ñ𝗢, 𝗨𝗠𝗔𝗞𝗬𝗔𝗧 𝗣𝗔

Umakyat pa sa higit P1.23B ang halaga ng danyos sa sektor ng agrikultura ng bansa dulot ng umiiral na epekto ng El Niño Phenomenon.

Ayon sa pinakahuling tala National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), pinakamalaking danyos ay sa Western Visayas na may ₱678.7M, sinundan ng Mimaropa na may halagang pinsala na P319.7M, Cagayan Valley na ₱180.4M at sa Ilocos na nakapagtala naman ng danyos na ₱54.4M.

Apektado rin ng nasa ₱2.75M sa CALABARZON at ₱717K naman sa Zamboanga.

Bagamat humina na ang EL Niño Phenomenon ay nagpapatuloy pa rin ang nararanasang epekto nito sa bansa at inaasahan na tatagal pa ito hanggang sa mga susunod buwan lalo na at parating na rin ang panahon ng tag-init mula Marso hanggang Mayo, ayon sa tanggapan ng PAG ASA.

Samantala, nag-isyu na rin ng La Niña Watch ang PAGASA dahil sa posibleng pag-iral nito sa susunod na anim na buwan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments