𝗜𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬, 𝗜𝗦𝗔 𝗞𝗥𝗜𝗧𝗜𝗞𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗨𝗥𝗗𝗔𝗡𝗘𝗧𝗔 𝗖𝗜𝗧𝗬

Nagpapatuloy ang imbestigasyon sa pagkakakilanlan ng suspek na namaril sa dalawa katao na ikinamatay ng isa sa Urdaneta City.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Mar Castillo at Jejomar Reyes parehong residente ng nasabing lungsod.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, kagagaling lang ng sabungan ang dalawa pasado alas nuebe ng gabi papunta sa kanilang sasakyan nang sila ay lapitan ng isang lalaki at pinaulanan ng bala.

Agad naman tumakas ang suspek sakay ng isang motor kasama ang driver nito .

Isinugod sa pagamutan ang mga biktima matapos nagtamo ng gunshot wounds sa kanilang mga Katawan kung saan ay namatay habang ginagamot si Castillo habang kasalukuyang inoobserbahan si Reyes.

Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon sa posibleng motibo ng pamamaril at pagkakakilanlan ng suspek. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments